Quotes & Poetry

Ikaw Ang Bituin ng Buhay Ko

Ako ay nangalalakbay sa buhay na ito
Nang nag-iisa, nangalulungkot
Naghahanap ng makakapiling

Gabi-gabi’y tumitingala sa kalangitan
Hinahanap-hanap ang bituing
Nagniningning ng higit sa iba

“Nasaan ka o aking bituing nasa langit
Kailan kita matatagpuan
Kailan ikaw ay mahahagkan?”

Sa aking paglalakbay, natagpuan din kita
Aking bituing katangi-tangi
Ang puso ko ay nangagagalak

Ang iyong mga ngiti ay nagbibigay sigla
Sa aking pusong nangalulungkot
Buhay’y bumalik dahil sa iyo

Ang iyong kagandaha’y tulad ng nagsisibol
Na Mirasol sa bawat umaga
Maginhawa’t kabighabighani

At ang iyong malumanay na tinig ay hangin
Na dala’y kapayapaan sa’kin
Paggugulumihana’y naglaho

Ikaw ang nag-iisang bituin ng buhay ko
Pangako ay iibigin ka nang
lubos, magpakailan man sinta.


Copyright © 2011 JC John Sese Cuneta.

http://www.fictionpress.com/s/2931381/1/Ikaw_Ang_Bituin_Ng_Buhay_Ko


  1. snowworld reblogged this from quotesnpoetry
  2. quotesnpoetry posted this
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close